top of page
Search
BULGAR

P.5M multa o kulong sa kasong Gender-Based Online Sexual Harassment

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 14, 2024


Dear Chief Acosta,


Ako ay isang transgender. Simula nitong nakaraang linggo, mayroon akong isang kamag-anak na panay ang private message sa akin ng transphobic na mga mensahe.


Ako ay nasasaktan na sa mga sinasabi niya sa akin kaya pinakiusapan na namin siya ng aking nanay na tumigil na. Subalit, pinagtawanan lamang niya kami at patuloy pa rin ang pagpapadala niya sa akin ng mga transphobic na mga mensahe. Maaari ko ba siyang kasuhan? -- Jayne


Dear Jayne, 


Para sa iyong kaalaman, ang probisyon ng batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Sections 12 at 14 ng Republic Act No. 11313 o mas kilala sa tawag na “Safe Spaces Act”, kung saan nakasaad na:


Section 12. Gender-Based Online Sexual Harassment. Gender-based online sexual harassment includes acts that use information and communications technology in terrorizing and intimidating victims through physical, psychological, and emotional threats, unwanted sexual misogynistic, transphobic, homophobic and sexist remarks and comments online whether publicly or through direct and private messages, invasion of victim’s privacy through cyberstalking and incessant messaging, uploading and sharing without the consent of the victim, any form of media that contains photos, voice, or video with sexual content, any unauthorized recording and sharing of any of the victim’s photos, videos, or any information online, impersonating identities of victims online or posting lies about victims to harm their reputation, or filing, false abuse reports to online platforms to silence victims. 


Section 14. Penalties for Gender-Based Online Sexual Harassment. - The penalty of prision correccional in its medium period or a fine of not less than One hundred thousand pesos (P100,000) but not more than Five hundred thousand pesos (P500,000), or both, at the discretion of the court shall be imposed upon any person found guilty of any gender-based online sexual harassment. 


Malinaw na nakasaad sa batas na ang mga unwanted sexual misogynistic, transphobic, homophobic and sexist remarks and comments online, ginawa man publicly o sa pamamagitan ng direct o private messages, ay kinokonsidera bilang gender-based online sexual harassment. Maaaring maparusahan ng pagkakakulong o multa, o parehas, ang sinumang mapatunayang gumawa ng mga ito. 


Ibig sabihin, maaari mong kasuhan ang iyong kamag-anak ng paglabag ng Safe Spaces Act, at kung mapapatunayang ginawa niya ang mga alegasyon mo laban sa kanya, siya ay maaaring makulong o/at pagmultahin ng naaayon sa batas.


Nawa ay nasagot namin ang iyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa iyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page