ni Jasmin Joy Evangelista | October 11, 2021
Nakahanda raw ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa inaasahang dami ng mga overseas Filipino workers na uuwi sa Pilipinas ngayong Pasko.
Ito ay sa kabila ng mahigpit na health procotols dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, nananatiling nasa manageable level ang hotel accomodation para sa mga umuuwing OFWs.
Aniya, 15,000 ang itinuturing na “red alert level” sa bilang ng mga OFW na ina-accommodate ng government-sponsored hotels sa buong bansa.
Pero sa ngayon daw ay nasa 12,000 hanggang 13,000 lamang ang OFWs na umuwi at 9,859 dito ang nananatili sa 178 hotels sa NCR.
Samantala, tiniyak naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at ang One-Stop-Shop ng IATF na matutulungan nilanh makauwi sa kani-kanilang bahay ang mga uuwing OFWs ngayong Christmas season.
Comments