top of page
Search
BULGAR

OVP at DSWD exempted sa election spending ban — Comelec

ni Jasmin Joy Evangelista | March 24, 2022



In-exempt ng Commission on Elections (Comelec) ang Office of the Vice President (OVP) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa election ban on public spending para sa mga imprastraktura at iba pang proyekto.


Sa kanilang weekly meeting nitong Miyerkules, inaprubahan ng Comelec commissioners ang request ni Vice President Leni Robredo, isang presidential aspirant, na ipagpatuloy ang kanyang pandemic relief projects sa buong election campaign period mula March 25 hanggang Election Day sa May 9.


Sinabi rin ni Commissioner George Garcia na inaprubahan din nila ang petisyon ng DSWD na maging exempted sa election spending ban.


Ang pandemic response projects ni VP Robredo ay nasuspinde mula Feb. 4 mula nang magsimula ang spending ban.


Nagpasalamat naman ang OVP sa Comelec sa pagpayag nito na ipagpatuloy ang kanilang pandemic response at livelihood programs sa kasagsagan ng campaign period.


Sa isang pahayag, sinabi ng spokesperson ni Robredo na si Barry Gutierrez na ang naturang permission “will ensure that Angat Buhay projects which have helped hundreds of thousands of Filipinos in the past six years can continue to bring hope to communities all over the Philippines.”


Nang magsimula ang campaign season, sinuspinde ng OVP ang implementation ng mobile antigen testing, e-consultation services at iba pang livelihood programs para sa mahihirap, bilang pagsunod sa Omnibus Election Code.


Nag-offer ang OVP ng libreng telemedicine consultations para sa mga pasyente. Ang Vaccine Express program nito ay nakapag-administer ng bakuna para sa mga indibidwal na hindi makapagpabakuna sa mga government vaccination sites. Ang Swab Cab program naman ay naghandog ng libreng antigen testing sa iba’t ibang lugar sa bansa.


Sinabi naman ni Irene Dumlao, spokesperson ng DSWD, na magkokomento sila hinggil sa Comelec resolution kapag nakatanggap na ng kopya nito.


Ayon kay Garcia, nag-apruba rin ang Comelec ng mga katulad na petisyon na ipinasa ng mga government agencies at iba pang local government units, pero nag-deny din ng iba.

Коментари


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page