ni Madel Moratillo @News | August 25, 2023
Inirekomenda na ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang opisyal ng gobyerno at pribadong indibidwal na isinasangkot sa Pharmally Pharmaceutical Corporation controversy.
Sa isang resolusyon, inirekomenda na ng special panel of investigators ng Ombudsman ang pagsasampa ng 3 bilang ng kasong graft laban kina dating Usec. Lloyd Christopher Lao, dating Procurement Service-Department ng Budget and Management, Warren Rex Liong, dating procurement director at kasalukuyang overall deputy Ombudsman, Paul Jasper de Guzman, procurement management officer, mga opisyal ng Pharmally sa pangunguna ng magkapatid na Twinkle at Mohit Dargani, Linconn Ong, Justine Garado at Huang Tzu Yen at iba pa.
May kaugnayan ang kaso sa iregularidad sa pagbili ng RT-PCR test kits na nagkakahalaga ng P4.16 billion. Sinasabing bukod sa overpriced ay substandard din umano ang mga na-purchase na supplies.
Naging kontrobersyal ang Pharmally dahil ang capital nito ay P625,000 lamang pero nakakuha ito ng malaking kontrata sa gobyerno noong kasagsagan ng pandemya.
Comments