top of page
Search
BULGAR

‘Out of this world’ na lang palagi ang panuntunan ng IATF

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | August 20, 2021


Nagbabadyang palalawigin na naman ang ECQ sa Metro Manila oras na matapos na ito ngayong araw, kaya kabado na naman ang marami dahil ang tanong nila, kaya pa ba ng badyet na makapagbigay-ayuda?


Lalo na naman ang MSMEs o ‘yung Micro Small and Medium Enterprises tulad ng mga nagkakarinderya, may sari-sari store, at iba pang maliliit na negosyo. Daing nila, naghihingalo na lalo ang kanilang mga pangkabuhayan.


Ito ring LGUs, kahit naunawaan nila ang purpose ng lockdown, hilung-hilo na if ano naman ang mga susunod na ibababang patakaran sa dami ng community quarantine na dagdag-pahirap sa mga nasasakupang ka-barangay dahil hindi na sila makagalaw para makapagtrabaho.


‘Yun nga lang, hindi rin maiaalis na problemado ang bawat barangay at lalo na ang maliliit na negosyante, dahil talagang sagad na ang kanilang mga pinansiyal, ‘di ba!


Pero sa dami kasi ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na may kani-kanyang rules tuwing may lockdown, tulad sa mga checkpoint, sa curfew, sa mga safety protocols sa bawat barangay, sa transportasyon, at iba pa, eh, tila sabog at nahihilo na ang mga LGUs at ating mga kababayan sa dami ng do’s and don’t’s.


Eh, sa atin naman, IMEEsolusyon para mas maging klaro at mas malinaw ang baba ng utos o bagong mga patakaran sa mga community quarantine, mas makabubuting isali na ang mga LGUs at MSMEs sa Inter-Agency Task Force o IATF para rin naman makonsulta sila.


Unang-una, nabubulaga na lang ang mga MSMEs, eh, number one silang tatamaan kapag may mga bagong lockdown, sapul agad ang kanilang mauunsiyameng kita. Kaya mas magandang isali na sila sa IATF.


Ikalawa ‘yung LGUs, takang-taka rin tayo kung bakit hindi sila kasali sa IATF gayung sila ang direktang nagpapatupad ng mga lockdown sa bawat nasasakupang barangay. Dapat meron silang malaking ‘say’ sa IATF.


Need na makasama sila sa IATF dahil sila ang direktang nakakakita ng sitwasyon kapag nagpatupad ng lockdown, at para rin naman hindi na maging ‘out of this world’ ang mga panuntunan ng IATF.


Saka ang IATF, eh, puro naman cabinet members ang miyembro niya, eh, meron silang kani-kanyang trabaho na mas dapat nilang tutukan. Bakit hindi na lang gawing IMEEsolusyon, eh, bumuo na ng sariling Task Force na puro COVID lang ang tutok at hindi nahahati ang atensiyon, ‘di ba?


Hindi natin sinasabing buwagin ang IATF, ang kailangan talaga ay may command center, ‘ika nga. Pero gawing command center na makatotohanan, hindi ‘yung kung sinu-sino ang member.


Ano’ng say n’yo?


0 comments

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page