top of page
Search
BULGAR

Out na rin sa mga photos ng mag-ama… RUFA MAE, IN-UNFOLLOW SA IG NG MISTER

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Oct. 28, 2024



Photo: Rufa Mae Quinto - Instagram


Ayaw magkuwento ni Rufa Mae Quinto tungkol sa nagaganap ngayon sa kanyang buhay, pero kalat na ang balitang problemado siya sa kanyang married life. 


Patunay daw nito ay ang pag-unfollow sa kanya sa Instagram (IG) ng kanyang mister na si Trevor Magallanes, at ang mga posts ni Trevor sa social media ay puro larawan nila ng kanilang anak at iba niyang kamag-anak, wala nang kasama si Rufa Mae. 


Dahil dito, mas pinili ni Rufa Mae na manatili muna sa Pilipinas at tumanggap ng mga projects. 


May ilang kaibigan naman ni Rufa Mae ang nagsasabing baka simpleng tampuhan lang ang nangyayari sa kanila ni Trevor. Mahirap din kasi ang long-distance relationship para sa mag-asawa, lalo na at nadedestino sa ibang lugar si Trevor. 


Umaasa ang kanilang mga malalapit na kaibigan na maaayos din nila ang problema, lalo na't may anak silang naging bigkis ng kanilang pagmamahalan.


 

Mala-Rico at Maris… 

ECHO, WA’ PAKI KAHIT TITO NA LANG NI JANINE



KINULIT ni Luis Manzano sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez tungkol sa kung paano nagsimula ang kanilang pagiging close sa isa’t isa. 


Tawa lamang ang naging sagot ni Jericho at ayaw magbigay ng detalye, kaya si Janine na lang ang nagkuwento na niyaya siya ni Echo para mag-script reading para sa kanilang bagong serye na Lavender Fields (LF) na umeere sa Kapamilya Network. 


Mag-asawa ang role nila sa serye, kaya kailangan nilang magkaroon ng bonding para maging komportable sa isa’t isa. 


Pero ang ending, walang naganap na script reading at nauwi sa mas magandang relasyon ang lahat.


Maging si Maricel Soriano ay hindi rin tinantanan si Jericho, tinatanong kung ano ang nagustuhan niya kay Janine kahit na malayo ang agwat ng kanilang edad. 


Biniro pa nga ni Marya na baka “Tito Echo” ang tawag sa kanya ni Janine. 

Nagpakatotoo naman si Jericho nang sagutin ang tanong ng Diamond Star. Sey ni Echo, katulad niya ang ugali ni Janine — makulit, masayahin, at may pagka-baliw. Swak ang kanilang personalidad, at makikita naman sa aura ngayon ni Jericho kung gaano siya kasaya kapag magkasama sila ni Janine. 


Mukhang na-in love nga si Echo sa anak ni Lotlot de Leon, mala-Maris Racal at Rico Blanco ang dating ng kanilang love story, ‘wag lang sanang humantong sa hiwalayan.


 

SABIK nang magka-apo si Ogie Alcasid. Umaasa siyang mabibigyan na siya ng apo ng anak niyang si Leila na magpapakasal na sa kanyang karelasyon. 


Mahilig sa pusa si Ogie at libang na libang sa kanyang dalawang alaga na sina Lily at Lala. Ang mga pusa ang kanyang pantanggal ng stress at pagod. 


For sure, kapag may apo na si Ogie, dito na mabubuhos ang kanyang atensiyon. 

Si Regine Velasquez at anak nila ni Ogie na si Nate, cat lover din kaya? 


Samantala, sobra ang pasasalamat ng team nina Ogie, Kim Chiu, MC at Lassy sa lahat ng sumuporta sa kanila sa Magpasikat 2024 competition para sa 15th anniversary ng It's Showtime (IS). Sina Ogie ang itinanghal na Grand Champion ngayong taon. 


Deserve naman nilang manalo dahil sa buwis-buhay na pagsirku-sirko sa ere ni Kim Chiu. Talagang all-out ang effort na ibinigay ng team nina Ogie Alcasid sa IS.


 

MULING magsasama sa concert ang Asia’s Timeless Diva na si Dulce at ang Charity Diva na si Token Lizares ngayong Lunes para sa Harmony for Heroes na gaganapin sa Music Museum at 7 PM. 


Mag-best friend sina Dulce at Token at may iisang layunin, makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan gamit ang kanilang talento sa pagkanta. 


Special guests sa concert ang The Matress at Rhythm & Babes at ang Miss Earth 2022 na si Ms. Jenny Ramp.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page