top of page
Search
BULGAR

Ostiya, ginawan ng food review sa socmed, Ateneo student lagot

ni Alvin Fidelson | March 25, 2023




Sinuspinde ng Simbahan ng Ateneo ang lahat ng misa matapos i-post sa social media ng isang senior high school student ang larawan ng “Holy Eucharist” at gumawa ng review ukol dito.


Ibinulsa umano ng estudyante ang ostiya matapos tanggapin sa simbahan at gumawa ito ng food review sa Twitter, sa disenyo, lasa, at ‘wow factor’ ng banal na tinapay.


Animo’y nagyabang pa ito na inuwi niya ang ostiya sa misa na kanyang dinaluhan noong Marso 17.


Ang departamento ng Ateneo High campus ministry ay magsasagawa ng serye ng pagsisisi at pagbabayad-sala (reparation and atonement) para sa ASHS member na gumawa ng “act of sacrilege”.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page