top of page
Search
BULGAR

OSANG, ISA-ISANG BINUNOT ANG PILIKMATA DAHIL SA DEPRESYON

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 13, 2022


Emosyonal na inalala ni Rosanna Roces ang mga malulungkot na pangyayaring pinagdaanan niya habang nasa locked-in taping nila ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Vigan na sumubok sa kanyang katatagan. Mababasa ito sa latest post niya sa kanyang Instagram account.


Pagpasok pa lang daw niya sa Ang Probinsyano ay nasubok agad ang katatagan ng kanyang dibdib, isip at kalooban, pati na rin daw ang haba ng pasensiya niya.


“Pagdating pa lang namin, quarantine kami ng 10 days.. doon ko na naranasan na malungkot dahil first time magbi-b-day ni Blessy na 'di ako kasama. Pati si Onyok na walong taong nawalay sa akin,” panimula ng kanyang mensahe.


Ang tinutukoy ni Rosanna na "Blessy" sa kanyang post ay ang partner niya in life, habang si “Onyok” naman ay ang bunsong anak ni Osang na nakaalitan niya nang maraming taon na rin.


Glad to know na nagkabati na ang mag-ina at maayos na ang personal life ni Osang.


Bagama't sa karugtong na laman ng kanyang post ay nakaramdam siya ng lungkot.


Pagpapatuloy ng post ni Osang, “Tiis-tiis hanggang ilipat kami sa Vitalis villas kasama ng karamihan ng cast. Nakapag-taping ng isang araw sa Vigan... pero nag-positive ang grupo ng stunts. Siyempre, PUI (patient under investigation) si Coco... PUI na din halos lahat kami.


Quarantine na naman, walang labasan ng villa. Para nga naman 'pag may nag-positive, dalawa lang kayo ng ka-villa mo ang magkakahawahan. Ayaw din ng production isaalang-alang ang mga taga-Vigan kaya stop taping kami. Ito na 'yung puro flashback ang napapanood natin. Sabay namatay dahil sa atake sa puso si Direk Lyan Suiza... siyempre, giba kami lahat. Imagine... wala kang ginagawa.. nag-aantay ka ng 10 days para makapag-RT PCR ulit at makabalik na sa trabaho.


“So, dumating na ang araw ng swab...masayang-masaya kami dahil makakalabas kami ng villa.


After ng RTPCR...sa villa namin ni Tita Vangie Labalan nag-lunch si Coco at si Julia... sarap ng kain namin..ang saya ng kuwentuhan. Makita-kita ko ang daming missed calls ni Blessy at ni Sangko...Pagsagot ko, sabi n'ya, 'Nakaupo ka ba? Wala na si Nanay.'


“Feeling ko, binuhusan ako ng malamig na tubig. Nasabi ko na lang kina Coco at Julia, 'Patay na nanay ko,' sabay pangalumbaba. Pag-alis nila, pumasok ako sa kuwarto at tumulala.


Alam kong 'di ako makakababa or else, 'di na 'ko makakabalik... dahil back to square one ako sa quarantine.


“Dahil may kakayanan kami para mag-block ng pain...'di ko muna inisip na patay na si Nanay.


Pero 'di ko namamalayan, binubunot ko na pala isa-isa ang pilikmata ko na ipinalagay bago mag-locked-in. Depression na nga pero pilit kong nilalabanan. Nanghingi ako ng Xanor kay John Estrada para makatulog. Ibinigay niya, dalawa, nilaklak ko lahat. Pero paggising, malungkot pa rin, may void, malaki!”


Tamang flashback daw ang ginawa ni Osang simula noong bata siya hanggang sa alagaan ng nanay niya ang mga anak niya na sina Grace at Onyok.


Itinuloy ni Osang ang kuwento sa kanyang yumaong ina on her next post sa Instagram.


“Sa totoo lang, nasa Marilao pa ang urn ni Nanay, bukas pagtapos ng trabaho ko ay aasikasuhin ko na ang kolumbaryo na puwede ko silang mapagsama ni Dadi. Saka pa lang ako mapapalagay, saka pa lang ako makakapagluksa. Isang taon na mula nu'ng mangyari ito at naalala ko ito na parang kahapon lang. 'Wag ka mag-alala 'Nay, 'di ka nawawala sa isip ko at puso ko."


Dugtong pa ni Osang, “Para lang hindi.. kasi ayokong kainin ako nang lubusan ng lungkot.


Isa pa, alam ko, nasa piling ka na ng Panginoon, kayo ni Dadi. Mahal ka namin, Nanay Norma.”


Kinabukasan, after niyang isiwalat ang mga pinagdaanang pagsubok last year, sumabak na ulit sa trabaho si Osang.


Sa kanyang IG post last Sunday, excited naman siya sa bagong proyekto.



“Grabe ang synchronicity sa project na ito. The song... 'yung story behind it, even sa suot kong damit na bigay sa akin ni @reallysharoncuneta,” caption niya sa kanyang IG post na piktyur niya na nakasuot ng pink blouse.


Dahil payat na raw si Sharon ngayon, kaya ipinamana na raw sa kanya ang ibang damit ni Mega.


Ayaw pang sabihin ni Osang ang title ng bagong proyekto niya kaya ang mga netizens na lang ang nagbanggit nito sa comment section at hula nila, “Ang dali naman, haha! Parang Maging Sino Ka Man ang title at life story ito ni Rey Valera. Malamang, eh, MMK ito! Ang ganda n'yo naman, Miss O. Ganda rin ng pink na dress.”


Ang tinutukoy kaya ni Osang na bagong project niya ay ang teleserye na ididirek din ni FM Reyes na pagbibidahan nina JC de Vera, Jane Oineza, Ria Atayde and RK Bagatsing?



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page