top of page
Search
BULGAR

Ornamental birds at poultry products, banned sa Albay

ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022



Upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng avian influenza sa probinsiya ng Albay, ipinag-utos ni Governor Al Francis Bichara ang pansamantalang pag-ban ng domestic ornamental birds at poultry products at by products mula sa mga probinsiya ng Camarines Sur, Camarines Norte, Pampanga, Bulacan at Laguna.


Batay sa Executive order no. 08 series of 2022 na in-issue ni Bichara, ang preventive ban ay nagsimula noong Miyerkules, March 16.


Ipinag-utos din ni Bichara sa Albay veterinary office ang pagsasagawa ng strict monitoring at activation ng border checkpoints sa mga bayan ng Polangui, Tiwi at Libon upang ma-regulate at maiwasan ang penetration ng avian influenza.


Inilabas ng gobernador ang kautusan matapos magpositibo ng tatlong barangay sa bayan ng Bula at Sipocot sa Camarines Sur sa H5N1 Highly Pathogenic Avian Influenza base sa nakolektang samples sa mga reported cases ng poultry mortality.


Lahat ng livestock transport at refrigerated vehicles mula sa ibang rehiyon ay papayagan basta mayroong disinfection certificates na in-issue ng Bureau of Animal Industry Veterinary Quarantine Services.


Kailangan ay sumailalim ito sa disinfection at provincial quarantine checkpoints ng Albay veterinary office para sa safety and protection, ayon pa kay Bichara.

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page