top of page
Search
BULGAR

Orchids, ‘di lang pandispley dahil panlaban pa sa mahinang immune system

ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | July 26, 2020




Ang orchids.


Sikat ang orchids sa mayayaman, para bang sa lahat ng klase ng halaman, ito ang number one para sa kanila. Kaya nga halos lahat sila ay may tanim na orchids at hindi lang basta tanim, inaalagaan pa nila ito nang may pagmamahal kaysa sa mga taong mahal nila sa buhay.


Sikat din ang orchids sa mga office at iba pang business places. Ang nakatutuwa pa sa orchids, sariwa o buhay na orchids ang ginagamit na pandekorasyon, pero hindi lang buhay na orchids ang gusto ng mga tao dahil maging ang mga larawan nito ay ginagamit ding pandekorasyon.


Ang isa pang nakakatuwa sa orchids ay hindi lang siya sikat ngayon dahil noon pa man, sikat na sikat na ito.


Ayon sa Japanese legend, may isang emperor na ang asawa ay hindi magkaanak. Sa sobrang lungkot niya, namalagi ang asawa ng emperor sa garden of orchids, wala siyang ginagawa roon kundi langhapin ang amoy na inilalabas ng mga bulaklak ng orchids at nagkaroon ng malaking himala sa buong emperyo dahil ang asawa ng emperor ay nagkaanak ng 13 bata.


Dahil dito, sumobra ang kasikatan ng orchids sa Japan. Ang mga tinatawag na Samurai ay nahalina at nalibang sa pag-aalaga ng orchids na parang nakalimutan nila na ang kanilang buhay ay mandirigma.


Ang mga tao ay nagtanim ng orchids. Dahil malaki ang kinikita nila sa pagtatanim nito, ang ibang produkto ay napabayaan na.


Sa ganitong sitwasyon, ipinagbawal ng emperor ang pag-aalaga ng orchids at ang parusa ay kamatayan sa sinumang lalabag sa nasabing kautusan.


China ang unang nakapansin sa orchids dahil ito ay kinilala ng sikat na emperor na si Shen-nung, na kinikilala rin bilang Father of Chinese Medicine.

Narito ang ilang sakit o karamdaman na nasa orchids ang kagamutan:

  • Cancer

  • Mahinang immune system

  • Lumalabong mga mata o pagkabulag

  • Sore throat

  • Sira ang panunaw o digestive problems

  • Pagtatae

  • Sakit sa bagang o bunganga o gum disease

  • Panlaban sa mga bakterya sa loob at labas ng katawan

Ang pinakasikat na medicinal benefit ng orchids ay ang panlaban sa depression, gaanuman ito kalala.


Gayunman, ang pinakasikat sa modernong panahon ay ang orchids tea, na ang epekto sa tao ay sumasaya, sumisigla at nanariwa ang lakas at mismong katawan.


Ang orchids tea ay ang pinatuyong talulot (petals) ng bulaklak ng orchids na ibababad sa mainit na tubig. Iinumin ito sa gabi bago matulong, pagkagising sa umaga at sa pamamahinga at pagtapos ng tanghaling tapat, maganda rin na uminom ng orchids tea.

Good luck!

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page