top of page
Search

Oras ng pahinga, ginamit ng Bulldogs vs. Archers

BULGAR

ni Delle Primo - @Sports | June 20, 2022



"Ginamit namin 'yung time ng stepladder para makapag-prepare kami. Una, nagpolish muna kami ng galaw namin," pahayag ni NU head coach Karl Dimaculangan. "Noong nalaman na namin na La Salle 'yung kalaban namin, doon na kami nag-aral."


Dagdag pa niya, "Niremind ko lang sila na, unang-una 'di kami puwedeng magpabaya, 'di kami puwede magbigay ng free points. Kasi ‘yun ‘yung nakakatigil ng momentum kasi La Salle eh, then finals na ‘to."


Nanaig ang National University sa pag-usad sa UAAP Season 84 women's volleyball championship sa first Game, kontra De La Salle University, sa loob ng straight sets, 25-20, 25-12, 25-21, para sa best-of-three finals, Sabado ng gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Tangka ng Lady Bulldogs na makuha ang kauna-unahang titulo mula 1957 sa Martes, 6:30 pm sa MOA Arena kaya handa nilang panatilihin ang enerhiya para sa Game 2.

Mainit na sinimulan ng NU ang pinakawalang 9-2 sa unang set, na dinagdagan ng La Salle rookie Alleiah Malaluan ng errors, na nagpalayo sa, 16-9 at manatiling manguna sa pagtatapos 25-20.


Sa gitna ng 2nd set, nakatakas ang Lady Bulldogs sa 16-5 dahil sa paghina ng opensa at itinuloy sa 25-12. Kahit nakakuha ang NU ng 25 errors nagawa pa rin nilang dominahin ang laro sa bisa ng serves at blocks sa 11-3 at 8-2.


Dumikit pa ang Lady Spikers sa ikatlong period, 20-22. Subalit, sinagot ng malakas na kills at attack ni Alyssa Solomon para sa match point. Hindi nagtagal nagkaroon siya ng service error na sinundan ni Mhicaela Belen, 25-21.


Nanguna sa panalo sina Mhicaela Belen at Alyssa Solomon para Lady Bulldogs sa 15 puntos, dalawang ace, samantalang si Belen ay nakakuha ng 11 attacks, 2 blocks, 13 excellent receptions. "Hindi pa po masyado 'yung game namin kasi may parts po ng game na nagso-slow down kami," ani Belen.


Kaakibat sina Cess Robles at Ivy Lacsina na nagtala parehas ng 12 puntos.


Nasayang ang tikas ng Lady Spikers na sina Leila Cruz na nagpasok ng 6 puntos kasunod sina Fifi Sharma, Jolina Dela Cruz, at Malaluan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page