top of page
Search
BULGAR

Optional na pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor – P-BBM

ni Lolet Abania | October 28, 2022



Naglabas na ng executive order si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngayong Biyernes hinggil sa optional na pagsusuot ng face masks sa indoors at outdoors sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Ang direktiba na nakasaad sa ilalim ng Executive Order No.7, ang kauna-unahan simula noong Marso 2020, may option na ang publiko sa pagsusuot ng face mask o kung hindi man sa indoor settings.


Inisyu ang EO 7 tatlong araw matapos ianunsiyo ni Departent of Tourism (DOT) chief Christina Frasco na itatakda ni Pangulong Marcos ang pagluluwag sa mga COVID-19 protocols kabilang na ang pagsusuot ng face mask.


Una nang inisyu ni Pangulong Marcos ang EO No. 3 noong Setyembre 12, na pinapayagan ang optional na pagsusuot ng face mask sa outdoor settings.



Samantala, ayon sa Department of Health (DOH), ang mga face masks ay mananatiling “required” sa ilang mga settings, kabilang na ang mga health facilities, medical transport, at public transport.


Sa press briefing ngayong Biyernes, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang local government units (LGUs) ay maaari pa ring i-require sa kanilang mga constituents ang pagsusuot ng face masks.


“The local governments have that prerogative of imposing this kind of mandate, for example sa mask, as long as they are aligned with the protocols or policies of the national government,” saad ni Vergeire.


Inihalimbawa naman ni Vergeire, ang pagbisita ng marami sa mga sementeryo para sa All Saints’ at All Souls’ Days na magsuot pa rin ng face masks bilang proteksyon sa COVID-19.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page