ni Angela Fernando @World News | June 14, 2024
Nagsalita na ang isang opisyal ng Hamas at sinabing walang may alam kung ilan sa kanilang mga hostages na Israeli ang buhay pa at ang anumang kasunduang palayain sila ay dapat maglaman ng garantiyang permanenteng ceasefire at ang kumpletong pag-atras ng mga pwersa ng Israel mula sa Gaza.
Ang tagapagsalita ng Hamas at miyembro ng political bureau na si Osama Hamdan ay nagbigay ng pananaw hinggil sa posisyon ng kanilang samahan sa mga nakabinbing usapin ng tigil-putukan, isang opinyon kung nagsisisi ba ang Hamas sa kanilang desisyon na lumaban sa Israel sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga namamatay na Palestinian.
Pinaniniwalaan ng United States na ang Hamas ang may hawak ng susi sa mga usapan. Binigyang-diin na rin ng US Sec. of State na si Antony Blinken sa NBC nu'ng Huwebes na kailangan ng huminto ang giitan at nananawagan sa chief ng Gaza na si Yahya Sinwar, na tapusin na ang digmaan.
Matatandaang sinabi ni Hamdan na ang pinakabagong alok ng Israel na unang inihayag ni US Pres. Joe Biden nu'ng Mayo ay hindi angkop sa hinihingi ng kanilang grupo.
Kinumpirma ni Hamdan na kailangan ng Hamas ng malinaw na posisyon mula sa Israel upang tanggapin ang alok na tigil-putukan, isang kumpletong pag-atras mula sa Gaza, at hayaan ang mga Palestino na magtakda ng kanilang sariling kinabukasan at magiging handa ang grupong pag-usapan ang isang makatarungan deal tungkol sa palitan ng mga bihag.
コメント