top of page
Search

Opisina ni Pres. Yoon ng SK, sinalakay ng pulisya dahil sa martial law

BULGAR

ni Angela Fernando @Overseas News | Dec. 11, 2024



Photo: Hawak ng mga nag-protesta ang larawan nina South Korean President Yoon Suk-yeol at dating Defence Minister Kim Yong-hyun, Dec. 5, 2024 - Disyembre 5, 2024. ( Ahn Young-Joon / AP Photo )


Sinalakay ng South Korean police ang opisina ni Pres. Yoon Suk Yeol, ayon sa isang opisyal ng presidential security ngayong Miyerkules, bilang bahagi ng pinalawak na imbestigasyon kaugnay ng nabigong plano nito na magpatupad ng martial law.


Samantala, si Kim Yong-hyun, dating defense minister at malapit na kaalyado ni Yoon, ay nagtangkang magpakamatay sa detention center kung saan siya nakakulong matapos maaresto.


Ayon sa isang opisyal ng Justice Ministry sa pagdinig ng parliyamento, patuloy na binabantayan ang kanyang kalagayan.


Ang pagsalakay sa opisina ni Yoon ay hakbang sa pinalawak na imbestigasyon laban kay Yoon at mga mataas na opisyal ng pulisya at militar kaugnay ng hindi inaasahang deklarasyon ng martial law nu'ng Disyembre 3.


Nagdulot din ang nasabing insidente ng constitutional crisis sa ika-apat na pinakamalaking ekonomiya sa Asya at isa sa mga mahahalagang kaalyado ng United States.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page