ni Lolet Abania | January 27, 2022
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_5bd741836bcd4139a49af3f1272296c6~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_5bd741836bcd4139a49af3f1272296c6~mv2.jpg)
Magkakaroon ng suspensyon sa operasyon ng railway system ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) sa Linggo, Enero 30, batay sa anunsiyo ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang operator ng LRT1 ngayong Huwebes.
Sa isang advisory ng LRMC, nakasaad na ang pansamantalang suspensyon ng operasyon ng LRT1, “to give way to the completion of the upgrade of its signaling system.”
“Normal operations of LRT1 will resume on January 31, 2022, Monday,” sabi pa nito. Matatandaang noong Nobyembre 2021, inanunsiyo ng LRMC ang pag-upgrade ng signaling system ng LRT1 na nakatakdang isagawa ng Nobyembre 28, 2021, Enero 23, 2022, at Enero 30, 2022.
Ayon sa LRMC, katuwang ang kanilang contractor, magsasagawa sila ng mga series ng test runs at trial runs sa LRT1 sa mga naturang petsa upang matiyak na ang bagong signaling system para sa railway system ay handa nang gamitin.
Paliwanag ng kumpanya, “Railway signaling or the traffic light system for railway is a system used to direct railway traffic and keep trains clear of each other at all times, ensuring smooth and safe operations.”
Ani pa ng LRMC, “The upgrade to the new Alstom signaling system is needed to accommodate the commercial use of fourth generation train sets on the existing system, which is targeted to begin in mid-2022”.
Comments