ni Angela Fernando @News | May 10, 2024
Kinumpirma ng dalawang source na ang OpenAI ay may balak mag-anunsyo ng kanilang artificial intelligence-powered na search engine sa Lunes na direktang kakalaban sa Google.
Matatandaang iniulat ng Bloomberg at ng The Information na ang Microsoft, na suportado ng OpenAI, ay bumubuo ng produkto na search engine na posibleng makipagkumpitensya sa Google at sa Perplexity, isang malaking AI search startup.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang OpenAI sa Reuters ukol sa mga kumakalat na usap-usapan tungkol sa kanilang ilalabas na search engine.
Comments