top of page
Search

OOTD, out? Outfit ideas na safe ngayong may COVID-19 pandemic

BULGAR

ni Jersy Sanchez - @Life and Style| June 23, 2020



TULAD ng ibang bagay, pati ang pagsusuot natin ng pang-araw-araw na damit sa trabaho ay mayroon ding pagbabago hindi dahil may batas o kautusan tungkol dito kundi bilang parte ng pag-iingat.

Kaya para sa mga beshies natin d’yan na balik-trabaho at problemado dahil out muna ang kanilang bonggang outfit of the day o OOTD sa work, don’t worry dahil we got you!

Narito ang ilang outfit ideas para hindi madaling kapitan ng anumang virus o germs ang ating kasuotan tuwing papasok sa trabaho:

  1. BUTTON DOWN SHIRT. Maganda rin kung short sleeves para hindi kailangang i-roll ang sleeves tuwing maghuhugas ng mga kamay, gayundin, mas madaling kumakapit at kumakalat ang germs sa long sleeves. Bukod pa rito, mas madaling hubarin ang damit kapag de-butones dahil hindi ito tatama sa mukha.

  2. DRAWSTRING PANTS. Sa uri ng pants na ito, hindi mo na kailangang mag-belt. Tandaan, kinakapitan din ng germs ang belt at kailangan itong linisin pagkatapos gamitin, kaya kung puwede namang hindi mag-belt, ‘wag muna. Isa pa, kumportable rin ito, besh!

  3. CANVAS SHOES. Oks itong gamitin, lalo na kung matagal kang nasa labas o babiyahe dahil mas madali itong i-disinfect gamit ang sabon at tubig. Gayundin, mas maganda kung walang sintas ang gagamiting sapatos para hindi kailangang hawakan. Kung hindi naman “fit” ang canvas shoes sa iyong workplace, puwede kang gumamit ng leather shoes na may rubber soles para madaling linisin.

  4. CLEAN HAIRSTYLE. Patok ngayon ang top knot hindi dahil stylish at mainit kundi para maiwasan ang pagtama ng buhok sa mukha. Make sure na iki-clip ang inyong bangs para walang rason para hawakan ang mukha. Para sa kalalakihan, puwede ang semi-kalbo, pero kung medyo mahaba ang buhok mo, oks din naman ang man bun o pagtatali ng buhok.

  5. SIMPLE ACCESSORIES. Kung puwede, iwasan muna ang pagsusuot ng singsing, braclet at kuwintas. Sa hikaw naman, subukan ang stud o flat at iwas muna sa dangling earrings. Ayon sa mga eksperto, more accessories, more surfaces na puwedeng kapitan ng COVID-19. Gayunman, kung kailangang mag-relo, rubber, plastic o metal watch muna para puwedeng hugasan.

Siyempre, ‘wag kalimutan ang facemasks at washable bags, gayundin, maligo pagkauwi sa bahay.

‘Wag kayong mag-alala dahil hindi naman ito pang-forever. Dedma muna sa OOTD dahil ang importante ngayon ay ang ating kalusugan, gayundin ang kasiguraduhan na ‘di tayo basta-basta kakapitan ng virus, germs o mikrobyo. Gets mo?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page