top of page
Search
BULGAR

Online wedding, pinalagan ng simbahan

ni Madel Moratillo | July 5, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Hindi pabor ang isang opisyal ng Simbahang Katolika sa panukalang ‘online o virtual wedding’ habang nagpapatuloy pa ang banta ng covid-19.


Paliwanag ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, ang kasal ay isang mahalagang sakramento ng Simbahan na nagtataglay ng tatlong panuntunan — pagsang-ayon, komunyon at kasunduan.


Kaya naman hindi aniya tama na maging ang kasal ay gawing online na lamang.


“Church wedding is a covenant between the couple themselves, and they as a couple with God as Godparents being the witness, and the priest a minister. Thus, it is a community celebration,” paliwanag ni Santos.


Sinabi pa ni Santos na ang kasal ay kusang-loob na ibinibigay nang walang pananakot at pamimilit.


Kung gagawin aniya ito sa online lamang ay hindi makakatiyak ang pari na ang pag-iisang dibdib ng magkasintahan ay bunga ng kanilang malayang pagpapasya.


“With online wedding how can we, priests, be sure and certain that the couple is not impeded in their free decision to get married,” dagdag pa ng Obispo.


Lumutang ang mga mungkahi na idaos na lamang online ang kasal dahil sa maraming kasal ang hindi pa matuloy dahil sa umiiral na community quarantine at paglilimita sa bilang ng mga dadalo sa mga pagdiriwang.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page