top of page
Search
BULGAR

Online selling ng imported pork at meat products na posibleng may ASF, bantayan ng DA at NMIS

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 23, 2021



Mula nang magpandemya, mas lumakas ang bentahan sa online ng iba’t ibang produkto, tulad ng mga gamit, damit at pagkain.


Pero, nakaaalarma na mabiktima ang mga online shoppers ng mga puslit na produkto tulad ng smuggled na mga imported pork at meat products na, ‘di ba?


Super-delikado talaga ang posibilidad na may tama o kontaminado ng ASF o African Swine Fever kapag nakabili ng smuggled pork sa online. Baka maging super-spreader pa ng ASF ang kontaminadong baboy. Ang saklap ‘pag nagkataon!


IMEEsolusyon pa rin d’yan, partikular na ang pagpu-push natin na istriktong inspeksiyunin ng National Meat Inspection Service ang mga ibinibentang smuggled o imported pork sa online.


IMEEsolusyon din para sa proteksiyon ng mga magbababoy na hindi pa nadarapuan ng ASF na habulin ng NMIS o DA ang mga hindi awtorisadong online sellers, para masigurong hindi kontaminado ng ASF ang maibebenta sa publiko. Makipag-usap na sa Lazada, Shopee, at iba pang online selling platform. ‘Di ba!


Plis, ‘wag ninyong ipaubaya ‘yan sa local government units o LGUs, dahil trabaho n’yo talagang tutukan at inspeksiyunin ang mga ‘yan!


IMEEsolusyon naman sa ating mga kababayan na sa legit online sellers na kayo mag-shopping tulad sa Lazada at Shopee par sure ang quality control.


Pakiusap lang nating gawin na sana ito ng maaga, bago pa mauwi na naman ito sa mas malalang hawahan ng ASF sa mga alagang baboy ng ating mga local hog raisers. Hay buhay, ‘wag na sana itong maging dagdag-pahirap sa ating mga naghihikahos na kababayan! Agree?

0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page