ni Twincle Esquierdo | August 30, 2020
Nagsagawa ang Taguig government ng online digital convention for youth 2020 simula Agosto 24 hanggang Agosto 29 upang masunod ang social distancing sa gitna ng pandemya.
Sa pahayag ni Mayor Lino Cayetano nitong Linggo sinabi niya na, “Over the pandemic, we’ve pushed ourselves to explore possibilities in the new normal scenario. This annual convention going to the virtual world is us pushing the envelope once more, for the welfare of a sector that has always been dear to Taguig,”
Halos 1,500 ang nagpunta nu’ng nakaraang taon na edad 15 hanggang 30-anyos na residente ng Taguig City ang sumali sa Youthcon 2019.
Ayon naman kay Sangguniang Kabataan (SK) Federation chair Bong Maximo ang digital convention na may temang Youth Engagement for Global Action, ay naglalayong ipakilala ang inclusive governance at leadership sa mga kabataan.
Naglunsad rin ang SK Leaders ng infodemic campaign bilang babala sa mga kabataan sa paglaganap ng pekeng balita tungkol sa COVID-19.
Nagsalita rin si Senador Pia Cayetano, chair of Senate committee on sustainable development, tungkol sa "Futures Thinking for Future Leaders."
Maliban dito, nakakuha din ang mga kalahok ng Php100 allowance upang mapunan ang gastos ng mga dumalo sa digital convention.
Comments