top of page
Search
BULGAR

Online agent, tiklo sa P1M droga

ni Maeng Santos | April 16, 2023



Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Halos P1 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng pulisya sa isang drug personality sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.


Kinilala ni Valenzuela police officer-in-charge P/Col. Salvador Destura, Jr., ang suspek na si Jao Co, 26, online agent, ng Bgy. Dalandanan.


Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Ponce Rogelio Penones, Jr., sinabi ni Col. Destura na naaresto ng mga operatiba ng SDEU ang suspek matapos bentahan ng isang plastic-wrapped brick ng marijuana na nagkakahalaga ng P11K ang pulis na nagpanggap na buyer.


Ani SDEU chief P/Capt. Joel Madregalejo, isinagawa nila ang buy-bust ala-1:10 ng madaling-araw sa harap ng Dalandanan covered court sa San Simon St., Bgy. Dalandanan, matapos makatanggap ng impormasyon na nagbebenta umano ng

marijuana ang suspek.


Nakuha sa suspek ang walong plastic-wrapped brick ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng nasa 8,000 gramo na may standard drug price value na P960,000 at buy-bust money.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page