ni Lolet Abania | September 23, 2021
Pinag-iisipan ng Commission on Elections (Comelec) na magkaroon ng 1-linggong pagpapalawig ng voter registration.
Sa halip na isang buwan na pagpapalawig na itinutulak ng Kongreso, iminungkahi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na magsagawa na lamang ng one-week extension ng voter registration matapos ang paghahain ng certificates of candidacy mula Oktubre 1 hanggang 8.
“Our proposal is to use a one-week extension after the filing of COC,” ani Casquejo, sa isang pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee on Automated Election System.
Samantala, maraming mambabatas naman na hinihimok ang Comelec na pagbigyan ang kanilang suhestiyon na 2-linggong ekstensiyon na lamang.
“Baka puwedeng dagdagan kahit dalawang linggo,” sabi ni Cavite 4th District Representative Elpidio Barzaga Jr.
“Ang layo ng one week na ibinibigay ng Comelec sa one month na hinihingi ng legislature,” saad ni Senador Imee Marcos.
Parehong ang Kapulungan ng Kongreso ay humihiling na i-extend ang voter registration period hanggang Oktubre 31, habang itinakda naman ng Comelec ang deadline sa Setyembre 30.
Gayunman, ayon kay Casquejo, agad na susunod ang Comelec kung isang bill ang maipasa at maging batas.
Comments