ni Lolet Abania | July 19, 2020
Maghanda na ang mga Directioners, dahil ang One Direction ay magdiriwang ng kanilang 10-year anniversary sa ating “new normal”.
Para sa special occasion, maglo-launch ang boy band ng bagong anniversary website at maglalabas ng celebration video, siyempre pa, alay nila sa lahat ng fans.
Mayroon ding ilalabas na bagong interactive playlists at ang reformatted EPs featuring B-sides at rare songs, mga remixes, live recordings at acoustic versions ng mga tracks nila.
Sa July 23, ang special “10 Years of One Direction” website launching, kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng grupo.
Naka-set up ang site sa timeline charting ng grupo noong nag-uumpisa sila sa first audition pa lamang. Kasama rito ang mga music videos, artwork, TV performances at marami pang iba.
Lahat ng visitors ay maaari ring mag-share ng kanilang “mixtape” playlist sa site. Puwede na ring maka-connect sa mga selected streaming services para mixtape playlists gamit ang kanilang account.
Bagong anniversary celebration video ang ire-released sa araw ding iyon sa site. Mapapanood sa video ang highlights ng career ng boyband, kasama na ang special relationship nila with their fans.
Naging global phenomenon ang One Direction, kung saan nakabenta ng 200 million records worldwide at higit sa 10 billion views, at isama pa rito ang official social media ng banda na 85.9 million (Facebook, Twitter at Instagram).
Talagang super hiatus ang One Direction noong 2015.
Comments