top of page
Search
BULGAR

Omniverse Museum, Bukas na!

ni Fely Ng @Bulgarific | March 9, 2023



Hello, Bulgarians! Avid fan ka ba ng Star Wars, Marvel, DC, Game of Thrones, Harry Potter, Anime at iba pang pop culture genres? Isang bonggang VIP Grand Launch ang ginanap noong Marso 7, 2023 na dinaluhan ng mga bigating personalidad sa pinakabago at kakaibang museum na dadalhin ka sa iba’t ibang dimensyon na tiyak ikasisiya ng mga bibisita rito, na matatagpuan sa Japan Town 4/F Glorietta Mall, Ayala Center Makati.


Kasunod ang pagbubukas nito sa publiko kahapon, Marso 8, 2023, mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-9:00 ng gabi, tiyak na araw-araw dudumugin ng masa dahil sa kakaibang bentahe at atraksyong makikita rito, na masasabing pang-internasyonal, kung saan naka-exhibit ang mahigit 5,000 memorabilla items ng personal collection ni Mr. Ryan Bonifacio Sison, Executive Publisher ng pahayagang Bulgar.


Matatagpuan sa loob ng 3,500sqm. ang iba’t ibang portals ng mga paboritong iconic fictional characters tulad ng Star Wars, Jabba The Hut, AT–ST, Aquaman, Wonder Woman, Superman, Justice Hall, Marvel, Iron Man, Batman, Arkham, Dark Tales (Hellboy), Horror Cemetery, Anime, Game of Thrones, Lord of the Rings, Harry Potter, The Light, The Dark, Desert Bounty, Forest Moon, King of the Seas, Goddess of Truth, The Last Son, League of Heroes, Heroes Assemble, The Mechanic, Dark Knight, Asylum, Paranormal Study, The Yard, animeshon, (The)Seven Kingdoms, Middle Earth at Hall of Magic.


Ang nasabing museum ay kombinasyon ng entertainment at edukasyon, na nasa ilalim ng Philippine Amusement and Entertainment Corporation (PAEC) sa pamumuno ni President and CEO Dr. Lawrence Li Tan, kasama ang Food Wanderer X Lakbay Museo, Tales of Illumina, Dream Lab, Whimsical Wonderland at Museum Of Emotions, na bukas para sa mga educational tours, corporate events at photo shoots. Para sa karagdagang detalye at impormasyon, maaaring bisitahin ang kanilang website www.amusements.global/omniversemuseum; facebook page @omniversemuseum o tumawag sa mga numerong 09150091034 / 09178421131 para sa mga tanong at paglilinaw.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page