top of page

Omicron BA.5 variant, pasok na sa ‘Pinas — DOH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | June 3, 2022



Naka-detect na ang Pilipinas ng kauna-unahang mga kaso ng Omicron BA.5 variant sa dalawang indibidwal mula sa Central Luzon, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.


Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga pasyente ay walang travel history maliban sa nagtungo ang mga ito sa kanilang polling precinct sa Metro Manila.


Ani Vergeire, kapwa agad na nag-isolate ang mga ito matapos na makaranas pareho ng ubo at sipon, na sa ngayon ay asymptomatic at itinuturing nang nakarekober sa sakit.


“Maliban sa pagpunta sa election precinct dito sa NCR, wala pong travel history ang dalawang indibidwal,” pahayag ni Vergeire sa mga reporters.


Ayon pa kay Vergeire, ang mga pasyente ay nagkaroon ng dalawang close contacts, na miyembro ng kanilang household o kasambahay, at patuloy namang nag-isolate matapos na isa sa mga ito ay nagpositibo sa test sa coronavirus.


Nitong nakaraang buwan, naiulat sa bansa ang kauna-unahang Omicron BA.4 subvariant na isang returning Filipino mula sa Middle East habang sa kasalukuyan nai-report ang 22 kaso ng Omicron BA.2.12.1 subvariant.


Matatandaang binanggit ni World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus noong Mayo na ang mga subvariants BA.4 at BA.5 ang naging dahilan ng surge ng mga kaso sa South Africa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page