top of page
Search

Ombudsman Martires, pinutakti ng batikos sa pagbasura sa petisyong suspendihin si HS Romualdez

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 13, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

KAPAG BIGLANG NAGING PRESIDENTE SI VP SARA, LAGOT SI GEN. TORRE, TIYAK NA RERESBAKAN SIYA NG PAMILYA DUTERTE -- May isa palang hiling si ex-P-Duterte bago siya pasakayin sa private jet na magdadala sa kanya sa The Hague, Netherlands at ito ay makita nang personal ang anak niyang si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio, pero tinanggihan ito ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director, Maj. Gen. Nicolas Torre.


Masakit ito para sa mag-amang Duterte, kaya kapag dumating ang panahon na naging presidente si VP Sara ay dapat ihanda na ni Gen. Torre ang kanyang sarili dahil siguradong lagot siya, reresbakan siya ng pamilya Duterte na mga ‘benggador’, boom!


XXX


9 ‘MANOK’ NI PBBM SA PAGKA-SENADOR, OTOMATIK NA MATATALO KAPAG SINUNOD NG MAJORITY PINOY ANG PANAWAGAN NI VP SARA NA I-VOTE STRAIGHT ANG 9 PDP CANDIDATES NI EX-P-DUTERTE -- Nagtungo si VP Sara sa Villamor Airbase para alamin ang kalagayan ng kanyang amang si ex-P-Duterte, pero hindi siya pinapasok sa loob ng kampo ng Philippine Air Force (PAF).


Sa galit ni VP Sara ay sinabi niya sa media na nananawagan siya sa mamamayang Pinoy na ipanalo, i-vote straight ang siyam na PDP senatorial candidates.


Kapag sinunod ng majority Pinoy ang panawagan ni VP Sara ay otomatik, siyam sa “manok” ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa pagka-senador ang matatalo, abangan!


XXX


KAPAG NAGING MAYOR, PROMISE NI TRILLANES SA SIMBAHANG KATOLIKO NG CALOOCAN, IPAPA-STOP NIYA ANG STL NG MGA CHINESE NA NAMAYAGPAG SA PANAHON NI MAYOR ALONG MALAPITAN – Kaliwa’t kanang interbyu ng media ang tinanggap ni former Sen. Antonio Trillanes tungkol sa pagdakip ng PNP at Interpol kay ex-P-Duterte dahil isa ang dating senador sa nag-file ng kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) laban sa dating presidente.


Dahil diyan ay biglang gumanda ang laban ni Trillanes sa pagka-alkalde ng Caloocan City kasi nga bukod sa naging popular na naman siya, suportado pa ng Simbahang Katoliko ng lungsod ang kanyang kandidatura dahil ang promise ni Trillanes, kapag siya ang nagwagi ay ipapa-stop niya ang matagal nang binabatikos ni Archbishop Pablo Virgilio Cardinal David na Small-Town Lottery (STL) ng mga Chinese na namayagpag nang husto ang operasyon mula nang maging alkalde si Mayor Along Malapitan, period!


XXX


OMBUDSMAN MARTIRES, PINUTAKTI NG BATIKOS SA PAGBASURA SA PETISYONG SUSPENDIHIN SI SPEAKER ROMUALDEZ -- Pinutakti ng batikos ng netizens sa social media si Ombudsman Samuel Martires dahil sa pagbasura nito sa petisyon ng grupo ni Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez na suspendihin sa puwesto si Speaker Martin Romualdez at iba pang kongresista kaugnay sa kuwestiyunableng 2025 General Appropriations Act (GAA) na may mga blank budget document.


Mababatikos talaga ang Ombudsman kasi inaasahan ng mamamayan na masususpinde si Speaker Romualdez at iba pang kongresista dahil nga kuwestiyunable ang 2025 GAA na inaprub ng Kamara, tapos ni-reject ang suspensyon, boom!


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page