ni MC @Sports | July 31, 2024
Masusubok na sa kanyang Olympic debut si Aira Villegas laban kay Roumaysa Boualam ng Algeria sa Round of 16 ng women’s 51 kg boxing category ngayong Biyernes.
Ang 28-anyos na Filipina boxer ay unang kumomanda ng 5-0 victory kontra kay Morocco’s Yasmine Moutakki, para ibigay sa Pilipinas ang malakas na simula sa kampanya ng boksing.
Gayunman, mabigat ang kanyang makakasagupa. Ang 29-anyos na si Boualam ay beterana na sa dalawang Olympic games, isang highly decorated boxer na may hawak na gold medal nang magwagi sa 2023 African Boxing Olympic Qualification Tournament, ilang beses na African championships, sa 2019 African Games, at sa 2023 Arab Games.
Siya rin ang pride ng kanilang bansa dahil unang babaeng boxer na kakatawanin ang Algeria sa Olympics. Sa kabila ng mabigat na laban, naniniwala si Villegas na ang kanyang nakaraang sparring sessions kay Boualam ang magpapalamang sa kanya.
"I've sparred with her before, but of course, an actual match is different," sabi ni Villegas sa wikang Tagalog. "We need to study her again and train hard."
Nainspira ang Tacloban City native sa panalo ng kanyang teammate, Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio na nakatiyak na rin ng 5-0 win kontra India's Jaismine Lamboria. Ang laban nina Villegas at Boualam ay 12:16 a.m. sa Biyernes oras sa Pilipinas.
Comments