top of page
Search

Olympian Suarez, sakalam handa na sa int'l fight

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | July 06, 2021



Nagpahayag ng kanyang kahandaan sa national at regional pro title si 2016 Rio Olympian at unbeaten pro boxer na si Charly “King’s Warrior” Suarez kasunod ng dominasyong panalo laban kay Eduardo “The Nightmare” Mancito nitong nakalipas na Hulyo 3 sa Urdaneta Cultural Sports Complex sa Urdaneta City, Pangasinan.


Asam ngayon ng dating three-time Southeast Asian Games gold medalist na makamit ang anumang titulo sa Philippine Boxing Federation (PBF), Philippines Games and Amusement Board (PGAB) at international lightweight title sa kanyang susunod na laban.


Kung ano po ang magandang opportunity, naka-ready po ako,” pahayag ni Suarez sa panayam ng Bulgar Sports sa online messaging. “Kahit sino po. May mga plano na po akong laban sasusunod dito sa Pilipinas at international fights,” dagdag ng 32-anyos mula Sawata, Davao del Norte.


Nakamit ng 2014 Incheon Asian Games silver medalist ang napakahusay na performance nang gulpihin at ihatid sa ikalawang sunod na pagkatalo ang 28-anyos mula Iligan City, Lanao del Norte para sa 99-90, 98-92, at 100-89 na 10th round lightweight match para sa 7th straight na panalo kasama ang 5 kncokouts sa pro ranks, habang bumagsak naman sa 18-12-2 at 9KOs ang Davao del Sur-born na si Mansito.


Maging ang trainer at manager ni Suarez na si dating national mainstay at titlist Delfin Boholst ay nais ng maisabak sa isang title eliminator o title fight ang international amateur medalist na minsang nakalaban ni two-time Olympic gold medalist at dating 3-division World champion Vasyl “Loma” Lomachenko ng Ukraine noong amater ranks ng 2013.


Ang main event boxing match na pinamagatang “Relentless: Fists of Fire” boxing showdown ay inihatid nina Robert Hill ng VSP Boxing at Cucuy Elorde ng UKC Pro Boxing Edition na kinatampukan ng 10 boxing matches.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page