top of page
Search
BULGAR

Olsim, sa ONE Strawweight Division, umangat sa 5th rank

ni Gerard Peter - @Sports | April 10, 2021




Dahil sa kanyang pambihirang husay at galing sa huling laban noong Marso, agad na umangat sa ika-5th rank si newest Team Lakay sensation Jenelyn Olsim sa ONE Championship women’s strawweight division matapos patapikin ang dating No.5 contender na si Maira Mazar ng Brazil.


Hindi natinag ang 24-anyos na Muay Thai fighter sa beteranong Brazilian Sanda at Wrestler nang tapusin niya ang laban sa pamamagitan ng Guillotine choke sa 41 segundo ng 3rd round upang matagumpay na masunod ang inaasam nilang game plan para sa kanyang unang panalo sa ONE stable.


Pinaghandaan namin ang larong iyon kaya po nag-stick kami sa aming game plan na to get the submission and defend the wrestling style niya,” saad ni Olsim, Huwebes ng umaga sa weekly Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports webcast na live na napanood sa Sports on Air podcast. “Hinasa ko pa po yung striking ko at sobrang mas nag-focus kami sa ground techniques,” dagdag ni Olsim, kasama si Team Lakay member at dating BRAVE CF flyweight fighter na huling lumaban noong 2019 sa MOA Arena.


Inamin ni Olsim minamaliit ang kanyang kakayahan kung kaya siya ang inilagay bilang kalaban ng Brazilian wrestler na puntiryang makuha ang ikalawang sunod na pagkapanalo at mas mapatatag ang puwesto sa stawweight rankings. Subalit, tila hindi nasunod ang mga plano ng katunggali ng determinadong tapusin ng Baguio City-native ang laban.


Naramdaman ko na parang gusto nilang ipakain ako sa laban. They are underestimating me, pero good thing na ganun ang sitwasyon kase mas na-motivate ako lalo para manalo,” paliwanag ni Olsim na mayroong rekord na 4 wins at 2 loses sa kanyang mixed martial arts career, na nagnanais na makabawi sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kasunod ng silver medal finish sa Manila meet nung 2019 laban kay Bui Yen Ly ng Vietnam sa women’s 54kgs category.


Kasalukuyan pang naghihintay ng makakalaban si Olsim at patuloy na hinahasa ang ilang mga kakulangan bilang MMA fighter at maaaring itapat siya kay No.4 ranked Ayaka Miura (10-3) ng Japan.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page