ni Gerard Peter - @Sports | March 21, 2021
Agad na nagpakilala sa ONE Championship si Team Lakay member Jenelyn Olsim ng patapikin nito ang top-ranked contender sa women’s strawweight division, Biyernes ng gabi sa ONE: Fist of Fury III sa Singapore Indoor Stadium.
Pinatapik ng 2019 Southeast Asian Games Muay silver medalist si No.5 strawweight fighter Maira Mazar ng Brazil sa bisa ng mahigpit na guillotine choke sa 41 seconds ng third round para sa unang panalo sa ONE at maipaghiganti ang pagkatalo sa ONE Warrior Series 7 noong 2019.
Bago ang impresibong debut sa ONE strawweight fight, mahigit isang taong hindi lumalaban ang 24-anyos na Muay Thai national team member, matapos ang pagkatalo kay Caitlin McEwen noong 2019 mula sa submission.
Higit na ipinagmamalaki si Olsim ng Muay Association of the Philippines (MAP) mula sa impresibong panalo, kung saan buong-buo ang suporta sa kanyang pangarap na umasenso sa mundo ng MMA.
“We’re very proud of Jen! She has come a long way and we can see how she has matured as an athlete. We were confident that it would be a favorable outcome. And this cannot come at a perfect time that in celebration of women’s month,” pahayag ni MAP secretary-general Pearl Managuelod sa panayam ng Bulgar Sports sa online messaging. “Jen and I are close and I’ve always encouraged her to pursue her dreams. MAP is very supportive of her endeavours outside Muaythai and the national team. Whatever the outcome is, there is always something to learn and to improve on. And we are always proud of her achievements and hard work,” dagdag ni Managuelod, na siya ring Philippine Olympic Committee (POC) board member.
Matindi na ang mga pinakawalang mga patama ni Olsim sa mukha at katawan ng Brazilian fighter, kung saan napabagsak niya ito kasunod ng kumbinasyon ng low kick at right cross sa panga. Gayunpaman, patuloy pa ring nakipagsabayan si Mazar sa Filipina fighter at magawa pang makakabangon sa mga sumunod na round.
Comments