ni Jasmin Joy Evangelista | March 4, 2022
Nakamit na ng Olongapo City ang herd immunity laban sa COVID-19 matapos maabot ang target na mabakunahan, ayon sa datos ng local government unit (LGU) nitong Huwebes.
Ayon sa COVID-19 task force ng siyudad, at least 191, 825 residente rito ang nakumpleto na ang primary series ng kanilang bakuna mula nang simulan ng LGU ang mass inoculation sa kalagitnaan ng 2021.
Kasunod nito ay nag-improve ang COVID-19 situation sa siyudad na ngayon ay mayroon na lamang 14 active cases.
Nasa 29, 312 residente naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots habang patuloy naman ang mass vaccination kabilang ang mga batang edad 5 pataas.
Mayroong 260,000 populasyon ang Olongapo City base sa 2020 census.
Comentarios