top of page
Search

Olivarez College, pinatirik ang Aeronautics sa NCRAA

BULGAR

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 2, 2023



Isang panalo na lang ang kailangan ng rumaragasang Olivarez College ang 29th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) Basketball Tournament at pinigil ng Sea Lions ang isa pang mainit na koponan PATTS College of Aeronautics, 81-67, sa Valdez Hall ng PATTS noong Huwebes. Nagpahiwatig din ng lakas ang Centro Escolar University at inagaw ang solong liderato ng Women’s Division matapos ang 105-76 pagdurog sa defending champion De La Salle University-Dasmarinas.


Ang inaasahang dikdikan na laban ay hindi nangyari at inilabas ng Olivarez ang kanilang kalidad para sa perpektong kartadang 10-0 habang bumaba ang PATTS sa 8-2 sabay wakas ng kanilang walong sunod na tagumpay. Tanging ang defending champion CEU Scorpions ang nalalabing hadlang sa pagiging perpekto ng Olivarez.


Isang beses lang lumamang ang Seahorses, 23-22, sa second quarter subalit hanggang doon na lang sila at itinayo ng Sea Lions ang 45-32 lamang sa halftime. Nagsumite ng 21 puntos at 21 rebound si Edmund dela Cruz habang 10 puntos si Karl Baclay.


Pareho ang kuwento sa kababaihan at maaga pa lang ay sinikap ng Lady Scorpions na tapusin agad ang laban maitala ang kanilang ika-apat na tagumpay sa apat na laro. Bumida muli sa CEU si Jacerylle Anne Britania na may 14 puntos at Jerrell Mea Banih na may 13.


Sa ibang mga laro ng kalalakihan, pinabuti ng DLSU-D ang pag-asa nila sa quarterfinals at iniligpit ang Saint Dominic College of Asia, 93-82, sa tapatan ng dalawang paaralan galing Cavite. Malaki ang papel ng reserbang si Shan Vesagas na nagbagsak ng 21 puntos.


Ganoon din ang kalagayan ng Immaculada Concepcion College at binigo ang Emilio Aguinaldo College-Cavite, 77-68, at umangat sa 8-2 panalo-talo kapantay ang PATTS.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page