ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | September 18, 2023
KATANUNGAN
Nag-break kami ng boyfriend ko noong August dahil nahuli ko siyang may ka-chat at ang kalandian ay walang iba kundi ‘yung bestfriend ko.
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magkakabalikan pa ba kami ng boyfriend ko o tuluyan na siyang maaagaw sa akin ng kaibigan ko?
Kung hindi na kami magkakabalikan, kailan kaya uli ako magkaka-boyfriend?
Ngayon kasi ay balak ko sanang mag-abroad, kung matutuloy ba ako ru’n, magkakaroon kaya ako ng magandang karanasan sa ibayong dagat?
KASAGUTAN
Medyo naputol at pumangit ang unahan hanggang gitnang bahagi ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, Althea. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na tuluyan nang mawala sa iyo ang boyfriend.
Ang isa pang ibig sabihin ng Heart Line na may bilog o bahagyang pumangit mula sa umpisa hanggang sa gitnang bahagi (Drawing A. at B. h-h arrow a. at b.) ay tanda na sa edad mong 26 hanggang edad mong 27, malabo ka pang lumigaya at magtagumpay sa larangan ng pag-ibig.
Ngunit, sa pagsapit ng edad mong 28 pataas, magiging smooth at magiging maayos na rin ang iyong lovelife na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng medyo gumanda at maayos na Heart Line (Drawing A. at B. h-h) sa gitna hanggang sa dulong bahagi (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda nasa edad mong 28 pataas, darating na ang isang lalaki na magpapaligaya sa iyo habambuhay at sa bandang huli, siya na rin ang iyong makakasama sa pagbuo ng isang simple pero maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya (Drawing A. at B. 1-M arrow d.).
Hinggil naman sa pag-a-abroad, kapansin-pansin ang malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na sa edad mong 28 pataas, sa pangingibang-bansa ka susuwertehin at sa nasabing pag-a-abroad, may magandang kapalaran kang aanihin at mararanasan sa ibayong dagat at du’n mo na rin matatagpuan ang isang lalaking nakalaan sa’yo na makakasama mo sa pagbuo ng isang simple pero masayang pamilya habambuhay.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos Althea, mas mabuting kalimutan mo na ang ex-boyfriend mong manloloko. Sa halip, mag-concentrate ka na lang ngayon sa pagtatrabaho at pag-a-apply sa ibang bansa, upang pagsapit ng taong 2024. Sa edad mong 28 pataas, makakapag-abroad ka na at sa nasabing pangingibang-bansa, may isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ang iyong makikilala na siya na ring ikalawang magiging boyfriend mo at sa bandang huli ay mapapangasawa at siya mo na ring makakasama sa pagbuo ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
Comments