top of page
Search
BULGAR

Oks lang sa mister ng aktres… PIOLO AT LOVI, “MAHAL” ANG TAWAGAN

ni Nitz Miralles @Bida | Sep. 21, 2024



Showbiz News

Mababasa ang comment na may pangalan ni Piolo Pascual na “That’s my mahal” sa reels post ni Lovi Poe ng teaser ng upcoming Regal Films movie niya na Guilty Pleasure (GP).

Mukhang legit Instagram (IG) account naman ng actor ang nag-comment dahil sinagot siya ni Lovi ng “@piolo_pascual Thanks, Mahal.”


Obviously, “Mahal” ang tawagan nina Lovi at Piolo na ikinatuwa ng mga fans dahil mukha raw good friends ang dalawa kahit hindi pa sila nagkakasama sa project. Teka, baka naman nakalimutan lang namin at nagkasama na pala sila sa pelikula.

Sexy ang GP based sa reels na ipinost ni Lovi. Sabi nito, “See you in my chambers. #GuiltyPleasureFilm, my big screen comeback ... can’t wait!”


Showing sa October 16, 2024 ang movie at isa sa mga rason kung bakit nagpabalik-balik sa Los Angeles, California at Pilipinas si Lovi. Of course, may iba pa siyang project na inaasikaso at pinaghahandaan rito, kaya nasa bansa na naman siya.


Kaya, ‘yung mga naka-miss kay Lovi sa pelikula, may pasabog uli siya sa GP


Samantala, may reaction pala ang husband nito na si Monty Blencowe sa ipinost niyang reels. Emoji ng eyes ang ipinost nito na si Lovi Poe lang ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin.


 

NAKAKABILIB ang husay ni Xian Lim sa time management dahil kahit busy, may time pa rin siya na gawin ang mga bagay outside showbiz. Saka, hindi siya nauubusan ng gustong gawin.


Gaya na lamang nitong habang naghihintay ng another project sa television at movies, heto si Xian at nag-enroll sa flight school. 


Gustong maging piloto ng aktor at sa kanyang Instagram (IG), nag-share ito ng photos habang nasa klase siya sa flight school na Topflite Academy.


Sa isang photo, instructor yata ng Topflite Academy ang kausap ni Xian at nasa harap nito ang isang flight map. Sa isa pang photo, may kasama siyang dalawang instructors.

Ang gaganda ng comments sa post ni Xian, gaya ni Rocco Nacino na ang sabi, “Grabe, Capt. na ang tawag ko sa ‘yo!” 


Excited na rin ang mga fans ni Xian na maging piloto siya at willing silang mapasama sa mga pasahero sa first flight nito.


 

THIS Saturday na ang premiere ng youth-oriented series ng GMA-7 na MAKA o MacArthur High School for the Arts. Kabilang sa cast si Chanty Videla na member ng K-pop group na Lapillus. 


Kapag nasa bansa si Chanty, artista siya, kapag nasa Korea siya, singer siya, pero sa nasabing series, kakanta rin siya na ipinagpaalam siguro sa management ng Lapillus.

Kasama ni Chanty sa mediacon ng MAKA ang parents niya at sa Argentinian dad niya siya nagmana ng height. 


Six footer yata ang height ng dad nito at sabi ni Chanty, 5’7” naman ang taas niya. Kinontra ito ng mom niya na ang sabi, 5’8” ang height ng anak, in denial lang daw ito.

Hindi namin natanong si Chanty kung bakit ayaw niyang tanggapin na 5’8” siya. Naalala lang namin nang mag-comment kami na mas matangkad siya sa ka-love team niyang si Sean Lucas, ang sagot nito, mataas lang ang suot niyang sapatos. Pero, tingin namin, mas matangkad talaga siya sa kapareha. 


Isa rin si Chanty sa mga kumanta ng theme song ng series at dahil singer nga sila ni Zephanie at kumakanta rin ang ibang cast, hindi na kailangan ng production na kumuha pa ng singer to sing the theme song. Bagay din sa cast ang theme song na for sure, magugustuhan ng mga fans.


Anyway, ang role ni Chanty sa MAKA ay bilang si Chanty Villanueva, isang outstanding singer at makakalaban niya si Zephanie sa mga singing contest. Sa direction ni Rod Marmol, ang series ay pagpapatuloy sa tradisyon ng GMA sa pagpo-prodyus ng exceptional youth-oriented programming, gaya ng T.G.I.S. at Click.Jr..

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page