ni Melba R. Llanera - @Insider | July 28, 2021
"At the end of the day, I never left. I spoke with my boss, si Sir Carlo (Katigbak) on the 4th of July and we had a good talk.
"By the time I'm done with quarantine, may meeting kami. I'm a Kapamilya through and through, I have to reiterate that. I'll be back soon for sure. Pagkatapos ng mga meetings, for sure. Just to put this to rest, I'm not going anywhere," ang pahayag ni Piolo Pascual sa eksklusibong interview sa kanya ng Cinema News tungkol sa nabitawan niyang salita sa ASAP Kapamilya Forever episode ng show, kung saan sinabi niyang, "I'll see you soon."
Marami ang natuwa at nabuhayan ng loob sa mga tagahanga ng aktor na kung pansamantala man itong napanood sa Kapatid Network via Sunday Noontime Live na tumakbo rin nang ilang buwan sa ere ay mukhang balik-Kapamilya na nga uli si Piolo.
Naging matunog kasi ang bali-balita na ngayong nasa bakuran na ng GMA si Mr. Johnny Manahan na siyang head ng Star Magic at itinuturing na tatay-tatayan ni Piolo ay maaaring sumunod siya rito gaya ng pagsama dati ng aktor nang lumipat si Mr. M sa TV5 para sa programang Sunday Noontime Live.
Sa sagot na ito ni Piolo, siniguro nito na hindi siya lilipat sa anumang istasyon at ang itinuturing nitong tahanan ay ang ABS-CBN.
Dahil galing sa Amerika ay sasailalim muna si Piolo sa quarantine. Pagkatapos nito ay makikipag-meeting na siya sa mga big bosses ng ABS-CBN para pag-usapan ang mga posibleng proyekto na gagawin niya rito.
Masayang-masaya rin ang aktor dahil nag-top 1 sa Netflix ang My Amanda nila ni Alessandra de Rossi at ngayon ay kasama pa rin sa Top 10 ng mga most watched films sa Pilipinas, Qatar at UAE. Para kay Piolo ay nasabik ang mga kababayan natin sa Pilipinas at nakakatuwa na makapagpalabas ng isang orihinal at pelikulang Pinoy tulad ng My Amanda.
Ayon nga sa aktor, para siyang nabunutan ng tinik at proud na proud siya sa direktor at kapareha sa pelikula na si Alessandra dahil nakita niya ang dedikasyon at sipag nito, kung saan nagkasakit ito at dumaan din sa maraming pagsubok matapos lamang nang maganda ang pelikula.
Papuri pa ni Piolo kay Alessandra, bilib siya sa kapareha at direktora dahil alam nito ang mga gagawin, mga eksenang dapat kunan sa kabila ng baguhan lamang ito at ito ang kauna-unahang pelikula na naidirek nito.
Комментарии