health and safety protocols.
ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 12, 2021
Bukas ay magsisimula na naman ang panibagong school year, at panibagong taon ng distance o remote learning para sa ating mga anak.
Ayon sa Department of Education (DepEd), mahigit 21.9 milyong mag-aaral ang nagpatala para sa school year na ito. Sa bilang na ito, 15.3 milyong estudyante ang nasa pampublikong paaralan, samantalang 1.1 milyong mag-aaral naman ang nasa pribadong institusyon, mahigit 23,000 sa SUCs/LUCs; at 4.5 milyon naman sa ginanap na early registration.
Katumbas ito ng 86 porsiyento ng mga nagpatala noong isang taon, kung saan sinimulan ang distance learning. Inaasahan na tataas pa ang bilang na ito sapagkat maaari pang magparehistro ang mag-aaral sa araw ng pagbubukas ng klase.
☻☻☻
Ngunit, ang limitadong pagkatuto ng mga mag-aaral dahil sa kawalan ng face-to-face classes noong isang taon ay maaaring magdulot ng pagkawala ng P11-trilyong productivity sa susunod na 40-taon, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA).
Maaaring magkaroon din ito ng permanenteng epekto sa abilidad ng mag-aaral kapag siya ay naging bahagi na ng labor force, ayon pa sa NEDA.
☻☻☻
Tanging ang Pilipinas at Venezuela na lang ang hindi pa rin pumapayag sa face-to-face classes.
Kung kaya’t patuloy pa rin ang ating panawagan sa pagsasagawa ng pilot testing sa mga lugar na kaunti o walang aktibong kaso ng COVID-19 sa ating bansa.
Napatunayang sa buong mundo na maaaring magsagawa ng limitadong face-to-face classes basta’t mahigpit na ipatutupad ang health and safety protocols. Marami na ring suhestiyon ang UNICEF na maaaring tingnan o gamitin ng DepEd upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga anak. Idagdag na rin natin dito ang patuloy na pagpapabakuna sa ating mga guro at iba pang education workers.
Dahil nakasalalay hindi lamang ang kinabukasan ng ating mga anak, kundi pati na rin ng ating ekonomiya at bansa, kailangan nating pagtulungan ang maayos na pagsasagawa ng muling pagbabalik paaralan ng ating mga anak.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
留言