top of page
Search
BULGAR

Okay lang dumiskarte sa gitna ng pandemya, basta legal

@Editorial | September 05, 2021



Naglipana na talaga ang mga scammers, gamit na gamit ang pandemya para kumita.

Ang matindi pati gobyerno ay ginagamit na rin para makapanloko.


Tulad ng nabunyag na modus-operandi ng isang grupo na ginagamit ang Bureau of Immigration (BI) para magbenta ng pekeng entry permit sa mga dayuhan sa pamamagitan ng social media.


Istayl ng grupo na magturo ng Immigration Officer sa mga dayuhan upang siyang mag-ayos umano ng permit sa kanilang pagpasok sa bansa. Subalit, mabubuking na lang ng biktima na bogus pala ang itinuro ng scammer at natangay na ang perang ibinayad.


Bukod sa mga pekeng entry permit, talamak din ang ilegal na pagbebenta ng mga pekeng vacccination cards at RT-PCR test result online.


Kaya tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na pinakikilos na ang kanilang Anti-Cybercrime Group para bantayan ang galaw ng mga scammers.


Dapat lang na managot ang mga pasaway na ‘to.


Nanawagan din ang kapulisan sa pubiko na agad isumbong sa mga awtoridad kung sakaling may maengkuwentrong manlokoko upang hindi na makapambiktima pa.


Sana’y magkaroon ng mas mabigat na parusa laban sa mga gumagawa ng masama at ilegal, lalo na ngayong may pandemya.


Hindi ito rason para manlamang ng kapwa.


Marami tayong kababayan na todo-kayod para maitawid ang pang-araw-araw, matuto tayong mamuhay nang patas.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page