top of page
Search
BULGAR

Oil tanker, inatake ng mga pirata, 20 crew, sakay

ni J. Repol | April 14, 2023




Nagpadala ng patrol boat ang mga kinauukulan para sagapin ang mga sakay ng isang Singapore-registered oil tanker na pinaniniwalaang inatake ng mga pirata.


Ito ay matapos na mapaulat na sinakyan ng mga hindi kilalang tao ang naturang oil tanker na may layong 300 nautical miles mula sa Ivory Coast sa Gulf ng Gulf of Guinea.


Ayon sa Maritime and Port Authority ng Singapore, mayroong 20 crew members ang sakay nito na may iba’t ibang lahi, kabilang ang isang Singaporean.


Sa ngayon, hindi pa matukoy ng mga otoridad ang eksaktong lokasyon ng nasabing oil tanker dahil posible anilang pinatay ang beacon nito.


Kaugnay nito ay humingi na rin ng external help ang Singapore mula sa Spain at Europe.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page