top of page
Search
BULGAR

Oil spill, posible — PCG... Barko sumadsad dahil sa Bagyong Maring

ni Lolet Abania | October 12, 2021



Nagsagawa ng inspeksiyon ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Martes sa posibleng oil spill matapos na isang barko ang sumadsad sa pantalan sa may baybayin ng Nasugbu, Batangas sa gitna ng matinding alon dulot ng Severe Tropical Storm Maring.


Sa kanilang incident report, ayon sa PCG, lulan ng distressed vessel na LCT Metal Hawk ang 17 crew members nang maka-encounter ng engine trouble ngayong Martes ng umaga.


Gayunman, wala naman sa mga crew member ang nasaktan matapos ang insidente.


Ayon sa PCG, ang naturang barko ay pag-aari at operated ng Marine Vest Company na nakabase sa Surigao del Sur.


Sinabi pa ng PCG, sa salaysay ng kapitan ng barko, ang LCT Metal Hawk ay umalis mula sa Subic Port sa Zambales nitong Oktubre 9 na may kargang 1,000 metric tons ng buhangin na patungo sa Nasugbu Port sa Batangas.


Agad namang rumesponde at nagbigay ng assistance ang PCG Substation Nasugbu at Marine Environmental Protection Group-Batangas at nag-inspeksyon sa lugar dahil sa posibleng oil spill.


Samantala, umabot na sa 11 ang kumpirmadong nasawi dahil sa hagupit ng Bagyong Maring sa Luzon habang pito naman ang naiulat na nawawala. Nabatid mula kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director at Undersecretary Ricardo Jalad, Jr., na kabilang sa mga namatay sa bagyo ay mula sa Narra, Palawan na inagos ng flashflood, natabunan nang buhay sa landslide sa La Trinidad, Benguet at pagguho naman sa Itogon, Benguet, nalunod sa Claveria, Cagayan.


Kabilang naman sa mga nawawalang indibidwal ay mula rin sa Narra, Palawan, sa Dominican Minador, sa La Trinidad, at Itogon, Benguet at sa Badoc, Ilocos Norte.

0 comments

댓글


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page