ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021
May dagdag-presyo muli sa langis sa Martes, Setyembre 14, ang ikatlong sunod na linggo ng price hike.
Presyo ng petrolyo:
Gasolina — P0.30 - P0.40 /litro
Diesel — P0.25 - P0.35/litro
Kerosene — P0.10 - P0.20/litro
May P0.30 hanggang P0.40 kada litrong taas-presyo sa gasoline.
Ang diesel, magdaragdag ng singil na P0.25 hanggang P0.35 kada litro.
Samantala ang kerosene may P0.10 hanggang P0.20 kada litrong dagdag-singil.
Matatandaan din na nitong Biyernes ay sinabi ng Meralco na tataas ang bill ng Meralco sa Setyembre.
Comments