ni Zel Fernandez | April 18, 2022
Nagbabadya ang muling pagtaas ng produktong petrolyo ngayong linggo matapos ang Mahal na Araw.
Tinatayang papalo sa ₱1.70-₱1.80 kada litro ang diesel, habang ₱0.40-₱0.50 ang gasolina gayundin ang kerosene. Batay sa mga eksperto, bunsod ito ng malakihang dagdag-presyo sa world market nitong nagdaang Huwebes Santo.
Inaasahang magsisimula ng pagpapatupad ng bagong presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, Martes, April 19.
Comments