ni Mai Ancheta @News | August 1, 2023
Dahil sa sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, hihirit ng pisong dagdag sa pasahe ang mga tsuper ng pampasaherong jeep.
Dudulog ngayong Martes sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang grupong Pasang Masda para ipaalala ang hirit nilang pisong surcharge sa pasahe tuwing rush hour para makabawi sa non-stop oil price hike.
Ang pisong surcharge ay sisingilin lamang tuwing rush hour mula alas-5 ng madaling-araw hanggang alas-8 ng umaga, at tuwing alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
Ayon kay Obet Martin ng Pasang Masda, malaking tulong ang pisong surcharge tuwing
rush hour upang makabawi naman sila kahit papaano sa apat na sunud-sunod na taas-presyo sa petrolyo.
Ngayong Martes, panibagong pasanin ang sasalubong sa mga motorista dahil sa mahigit tatlong pisong dagdag-presyo kada litro sa produktong petrolyo.
Kommentare