ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 25, 2023
Naaliw kami sa sagot ni Ogie Alcasid nang matanong sa sex life nila ng misis niyang si Regine Velasquez.
Pag-amin ni Ogie da Pogi, “Alam mo, ang sabi sa amin ng pastor namin, eto totoo ‘to, ha? Sa mag-asawa, kailangan, at least, 4 times a week,” sa ilang press pipol kamakailan lamang.
Pero mahirap naman aniyang tuparin ‘yun.
“Pero I guess, ine-emphasize lang siguro ng pastor namin na kailangan siya (sex) sa mag-asawa,” sabi ng singer-composer-host na ang ipino-promote actually ay ang one-night jam session dubbed Ogieoke The Concert at the Newport Performing Arts Theater (NPAT) on Sept. 29, 8 PM.
Pero dahil nga siguro sa pagod nilang mag-asawa, lalo na nga at may It’s Showtime siya daily, ayon kay Ogie, 9:00 PM pa lang ay tulog na siya kaya early riser din siya, na kabaligtaran ni Regine. Late na raw itong natutulog kaya hindi naman talaga nangyayari ang 4x na sked nila sa pagse-sex.
At aminado rin si Ogie na hindi naman talaga perfect ang pagsasama nila ni Asia’s Songbird. Pero lagi nilang inaayos kung nagkakaroon man sila ng argumento or pag-aaway.
Sobra raw ang pagka-in love nila sa isa’t isa.
“We can’t get enough of each other. Kaya when I hear stories about couples breaking up, I get sad,” pag-amin pa ni Ogie.
At ang madalas nilang pagtawa ang pakiramdam niya ay rason kaya nagagawa nilang maging matibay ang pagsasama.
Tanggap niya na kung meron man silang mangilan-ngilang pagtatalo dahil bahagi na raw ito at maging ang tampuhan sa mag-asawa.
“I think those things are important, too, situations that you can just laugh at after. We’re old and we have nothing to prove.”
Pero ang isang napansin niya ay ang dali niyang umiyak lately.
“I cry so easily. There was one contestant (sa Tawag ng Tanghalan) who dedicated a song to her father. I got so emotional because I remembered my late father. And then, there was this discussion with Vice Ganda about fighting for love despite past heartbreaks,” pag-amin pa niya.
Pakiramdam niya ay senyales ito ng pagdagdag ng edad dahil kahit daw sa Korean dramas ay umiiyak siya.
Pero siguro naman, 'pag nagse-sex sila ni Regine ay hindi niya nararamdaman kung anong edad na siya! Boom! 'Yun na!
Comments