ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 15, 2023
Anyway, sinagot ni Ogie Diaz ang pahayag na ito ni Liza Soberano by posting some points sa kanyang Facebook account.
“Isa-suggest ko sa mga talent managers ito: bago tumanggap o tanggapin ang napupusuang talent, dapat, ipa-undergo sa psychiatric evaluation ang bata.
"Kasi nga, ang mga teenagers ngayon, as in bata pa lang, meron nang mga mental health issues.
Para din alam ng talent manager kung paano ia-address properly at iha-handle ang behaviour or attitude problem ng talent.
“Tapos, isama na sa kontrata ‘yung kada project na gagawin, kailangan, papirmahin ang bata at magulang (kung minor pa ang kanilang anak) na tinanggap nila nang buong-puso at excited silang gawin ito. Na alam nilang makakatulong ang project na 'yun sa ikauunlad ng kanyang career na hindi nila alam kung paano patakbuhin, kaya kinuha ang expertise mo bilang manager.
“Tapos, ilagay na rin sa kontrata na 'In the absence of the manager, the road manager will be there for the talent. And if the talent doesn’t want the presence of his road manager, his own personal assistant shall be present from start to finish for the scheduled work or commitment.'
“Tapos lahat ng moves or desisyon ng bawat isa ay kailangan, hindi surprise para hindi nagkakabiglaan. Ipagpapaalam ng talent ang lahat ng moves niya na puwedeng makaapekto sa kanyang career para hindi nangyayari na mag-damage control ang manager sa kagagahan at kagaguhang ginawa ng talent.
“Kaya ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager, pero hindi alam ng mga nagmamarunomg kung gaano kahirap maging manager.
“Para kang nag-iri ng sanggol, hanggang paglaki niyan, sa ‘yo 'yan aasa. Ikaw ang takbuhan niyan 'pag may problema silang personal kahit 'di na sakop ng trabaho mo 'yun bilang manager.”
תגובות