top of page
Search
BULGAR

OFWs, una sa plastic license card — LTO

ni Madel Moratillo | June 2, 2023




Prayoridad ng Land Transportation Office (LTO) na mabigyan ng plastic drivers’ license cards ang mga papaalis na mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni LTO officer-in-charge Hector Villacorta na ito ay para magamit ng mga OFW bilang government ID ang driver’s license.

Sa ngayon, nasa 53,000 na plastic driver’s license ang natitira sa LTO.

Sabi ni Villacorta, pinalawig na ng LTO ang validity ng mga expired na lisensya hanggang sa Oktubre 31.

“Sa ngayon ay nakatutok tayo sa urgent, iyong dalawang problema na inumpisahan nitong discussion na ito – iyong lack of license cards and plates of motor vehicles. 53,000 na lang nga iyong ating license cards eh ang solusyon diyan is in-extend natin iyong mga existing up to October 31 at iyon nga, iyong 53,000 priority muna iyong mga migrant workers,” pahayag ni Villacorta.

Ipapakiusap na lamang nila sa mga traffic enforcers na ang validity ng expired na lisensya ay hanggang sa Oktubre 31.

Una nang inanunsyo ng LTO na malapit nang maubos ang plastic card kung kaya papel na muna ang ilalabas na lisensya.


0 comments

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page