top of page
Search
BULGAR

OFWs sa Oman, puwede na uli


ni Lolet Abania | June 22, 2021



Sumang-ayon na ang Pilipinas na bawiin ang deployment ban ng mga manggagawa patungo sa Oman, kapalit ng pagluluwag naman ng naturang bansa sa kanilang entry restrictions para sa mga biyaherong Filipino.


Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, ang mga opisyal ng dalawang bansa ay nagpulong kahapon, June 21, upang talakayin ang pagpasok ng mga Filipino sa Oman.


Sinabi ni Olalia, ipinaliwanag ng gobyerno ng Oman na hindi nila intensiyon na i-ban ang pagpasok ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa, kung saan unang ipinagbawal ang entry ng mga Filipino sa Oman.


Bilang kapalit nito, nakatakdang i-lift ang ibinabang order na pagbabawal sa deployment ng mga Pinoy sa Oman na inianunsiyo ng gobyerno noong nakaraang linggo.


Wala namang ibinigay na timeline si Olalia kung kailan ili-lift ang restriksiyon, subalit posibleng magresulta ito ng pag-aalis ng entry restrictions sa Oman.


“Sa madaling salita po, ‘pag nagkaroon na ng lifting sa Oman at tayo ay nag-lift na, ora mismo makakapagpadala na tayo ng OFWs sa Oman,” ani Olalia.


Ayon pa kay Olalia, mayroong 5,000 OFWs na patungong Oman na umalis na simula January hanggang May, katumbas ng 1,000 kada buwan.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page