ni Jasmin Joy Evangelista | March 2, 2022
Umabot na sa 190 overseas Filipino worker ang tinamaan ng COVID-19 sa Hong Kong, ayon sa Philippine Consulate General in Hong Kong.
Ayon kay labor attache Atty. Melchor Dizon, nasa 16 na OFW ang naka-recover sa COVID-19 habang ang iba ay nagpapagaling pa sa isolation facilities.
Para sa mga OFW na hindi makabalik kaagad sa kanilang mga employer matapos ang pagkakaroon ng virus, may inilaan na boarding house ang Philippine Overseas Labor Office para sa mga ito.
Ayon pa kay Dizon, mayroong tatlong OFW na kanilang na-assist kung saan kinausap nila ang employer ng mga ito dahil nag-alangan umanong tanggapin sila matapos magpositibo sa COVID-19.
"Wala pa kaming reports na sila ay tinerminate. Ang termination dito ay kailangang i-report sa immigration. Hindi puwede 'yung basta lang ite-terminate," ani Dizon.
Sakaling mag-terminate ng OFW na nagka-COVID-19 ang employer, magbabayad ito ng penalty na HK$100,000.
Comments