by Info @Brand Zone | Feb. 7, 2025
Personal na ibinigay ni Camille Villar ang susi sa bagong bahay at lupa kay Angelica Abellano, isang overseas Filipino worker, sa simpleng turn-over ceremonies sa Camella Pili, Camarines Sur.
Isang dating BPO call center agent bago nagtrabaho sa Taiwan, masaya at hanggang langit ang pagpapasalamat ni Abellano at ng kanyang pamilya nang makita nila ang kanilang bagong bahay sa Camella.
“Nandito na po. Nakita ko na po finally yung bahay. Wala pong mapaglagyan yung kasiyahan ko kasi wala palang imposible. Dahil po kay Ma’am Camille, ginawa niyang posible yung isang pangarap na sa tingin ko po ay ilang taon ko pong pagsisikapan,” saad ni Abellano, ika-apat sa walong magkakapatid.
Sa loob ng ilang dekada, nakatira si Abellano at ang kanyang pamilya sa isang bahay na pag-aari ng kamag-anak. Kaya’t isang blessing talaga ang kanyang pagkapanalo,
“'Ito na yung bunga ng sacrifice mo sa family', sabi ng papa ko. Gusto ko po mag thank you dahil ginawa siyang instrument ni Lord pa maisakatuparan ang pangarap ko, kung bakit ako nasa ibang bansa. Sobrang thankful po ako," sabi ni Abellano, tinutukoy si Camille Villar bilang malaking tulong para makamit ang kanyang pangarap.
Ang ama ni Abellano ay isang magsasaka, samantalang nagtitinda naman ng kakanin ang kanyang ina.
"Itong bahay po para sa family ko, hindi na po kami matutulog sa lapag. Hindi na po namin mararanasan na pag umuulan, kailangan maglagay ng balde o tabo kung saan-saan...May concrete na pong bahay kung saan mag-create kami ng new memories," wika ni Abellano.
Napanalunan ni Abellano ang grand prize sa "Paskong Pinoy 2024: Piyesta, Musika at Kultura” Christmas na ginawa sa pangunguna ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairperson Cheloy Velicaria-Garafil noong Disyembre. Umabot sa 3,000 OFWs ang dumalo sa event na ginawa sa Fu Jen Catholic University sa New Taipei City.
Samantala, abot ang saya rin ni Villar sa muli nilang pagkikita ni Abellano kasama ang kanyang pamilya.
Nagbigay rin siya ng move-in gift certificate na nagkakahalaga ng P50,000 mula sa AllHome upang may maipambili ng mga kagamitan sa kanilang bagong bahay.
Ayon kay Villar, ang mga OFWs tulad ni Angelica ay nananatiling inspirasyon sa kanya upang ipagpatuloy ang kanyang malasakit sa OFWs.
“Talagang gusto ko magpasalamat sa inyo dahil kayo ang nagsilbing inspirasyon sa amin. Sobrang saya ko na kahit papaano, maaalagaan mo ang pamilya mo,” ayon kay Villar.
Binigyan kilala rin ni Villar ang sipag at tyaga ng mga OFWs para tulungan ang kanilang mga pamilya.
"Lagi po akong narito, kasama ang aking pamilya, sa pagtataguyod ng maayos na kabuhayan para sa ating mga kababayan, lalung-lalo na ang ating mga bagong bayani. Kasama niyo po kami sa pagkamit ng inyong mga pangarap sa buhay," wika ni Villar.
"Lahat ng pangangailangan niyo ay lagi ko pong inaalala. Lapitan niyo lamang po ako, at handa po akong tumulong sa inyo sa abot ng aking makakaya," paalala ni Villar.
Comments