ni Jasmin Joy Evangelista | January 26, 2022
Nanatiling nasa severe outbreak ang COVID-19 risk level ng probinsiya ng Benguet simula Jan. 21 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, ayon sa OCTA research.
Muling nanguna ang Benguet sa listahan ng OCTA ng mga probinsiya sa labas ng National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na daily attack rate (Adar) na may 101.48 kada 100,000 na populasyon. Ang Adar ay ang bilang ng mga indibidwal na na-infect ng virus sa kada 100,000 katao.
Nakapagtala ang probinsiya ng 1,290 bagong kaso noong Linggo lamang at nakapag-register ng weeklong growth na 86 percent, ayon sa OCTA.
Ang Mountain Province, Ifugao at Kalinga naman ay nagkaroon din ng mataas na outbreak basa sa Adar na naitala sa mga nasabing lugar. Ang tatlong probinsiyang ito ay isinailalim sa alert level 4 mula Jan. 21 hanggang Jan. 31.
Samantala, nagtayo ng 8 checkpoint sa Kalinga noong Linggo upang ma-regulate ang galaw ng mga tao at ng mga hindi bakunado, ayon sa provincial Inter-Agency Task Force.
Comments