ni Jasmin Joy Evangelista | October 29, 2021
Pinayagan na ng provincial government ng Occidental Mindoro ang mga fully vaccinated na makapasok at makalabas sa kanilang lalawigan.
Hindi na hihingian ng negatibong RT-PCR test ang mga biyaherong nais bumisita rito simula noong Oktubre 22.
Bukod naman sa vaccination card, kailangan pa ring magpakita ng valid ID at S-pass.
Para naman sa mga hindi bakunado, valid ID at S-pass din ang kailangan kasama ang negatibong RT-PCR test.
Antigen test naman ang requirement para sa mga taong first dose pa lang ang natatanggap na bakuna.
Para sa mga authorized persons outside residence (APOR), kailangan mayroong travel itinerary at travel order.
Hindi naman na kailangan ng RT-PCR test kahit hindi bakunado ang mga empleyado ng national government agencies at attached agencies, LGU officials at employees, returning patients at 2 maximum na watchers.
Comentários